Thursday, October 30, 2008

Isadora: The Villain to Love

What can i say? I'm hooked to Iisa Pa Lamang. Isadora is the kind of villain you want to see more of and imitate. haha Here are some of my favorite lines. Enjoy.


Isadora: Aalis ka? Ah ganun! So, pera pera na lang. Matapos kitang kunin sa bundok, bihisan, at pakainin ng imported na corned beef! Ito ang gagawin mo sakin?

Katulong: Eh Ma'am, wala na nga po kaming makain dito eh.

Isadora: Eh kayo-kayo kaya ang umubos ng mga pagkain na pina-grocery ko...Walang hiya ka! Lumayas ka!


Estelle: Pagnanakaw sa taong bayan. Aba, nabigla ako sa salita ni Rafael. Akalain mo, parang inakusahan na rin nya ng magnanakaw ang mga magulang nya.

Isadora: Naku! Alam mo, sigurado ako. Influence yan ni Katherine. Naku, kaya nagiging pro-poor yang mashado si Rafael eh papaano nga eh itong si Katherine..poor na poor!

Isadora: Oh, aren't you excited to see me?

Scarlet: Excited? Alam mo ba na mas excited pa akong magpunta ng dentista at mag pa-root canal kesa ang makaharap ka?

Isadora: Naku, ikaw naman. Nagpapaka-funny. Kung ang lahat ng bulok na ngipin ay kasing ganda ko, oh di wala ng bibili ng toothpaste....ahihihihi I'm so witty.

Isadora to Miguel: O, tingnan mo yang pasa mo ha. Nakaganti ka man lang ba? Naku, ikaw sa susunod nga ha. Galing-galingan mo yung pag ilag mo, yung parang si Pacquiao. O kaya, wag ka namang huminto hangga't hindi ka nakaka ganti! Laki-laki ng katawan mo, nagpasapak ka sa Rafael na yun.

Miguel: Ma, pwede ba. Ayokong pag usapan to...

Isadora: Ay hindi! Pag uusapan natin to hangga't sa gusto ko. Tatalak ako hangga't gusto ko.

Sophia: Ma, kuya might lose his job because of this!

Isadora: Hmmm...kung sa bagay. Tama ka dun. Pasensya na...na-carried away lang ako. Eh gusto ko lang ma-realize nitong si Miguel na sana pinakita nya sa mga Toralba na hindi sa lahat ng pagkakataon panalo sila. Kaka-stress!!! Hay....o sige, mabuti pa bumalik ka sa opisina mo ngayon, ha? Tapos, yun, lumapit ka kay Rafael. Humingi ka ng sorry.

Miguel: What? You're unbelievable!

Isadora: Of course! I'm unbelievably good! Hoy, Miguel. Kapakanan mo lang ang iniisip ko. hindi ka pwede mawalan ngayon ng trabaho. At isa pa, kelangan mong alagaan yang career mo ngayon.

(Isadora walks by the window and looks outside)

Isadora: Naku, hindi ko kasi maintindihan kung bakit hanggang ngayon nagpapaka tanga ka sa pag ibig! Hindi na matapos-tapos yang kabaliwan mo kay Katherine (Miguel walks out). Naku, napapagod nako Miguel! Napapagod naku sa kakaturo sayo......................................O, Sophia, nasan ang kuya mo? ...........................HOY! humingi ka ng tawad ha.....Yung sincere na sincere! Hay naku!

(Isadora takes a look at her almost empty living room)

Isadora to Sophia: O, ang ganda naman pala eh diba? Minimalist. Bagay naman pala, o. Luwang pa. Noh, anak?

(Sophia gives a dumb look)



Isadora: Ganito pala ang buhay hampaslupa... kaloka!



Katherine: Pagod ako. Huwag kang loloko-loko. Baka gusto mo ihampas ko tong bag kong mas mahal pa sa'yo!

Isadora: Sabagay, ako rin eh, pagod makipaghampasan. Next time, ok? In fairness ah, ang ganda ng damit mo. Pahiram minsan ha.



Aura: Kung ako sa iyo, magbalot-balot ka na, at malapit ka nang mapatalsik sa Amadesto
Isadora: Kahit kelan di mo ako mapapaalis sa Amadesto. Aking ang lupang iyon…
Aura: Lupa lang ba ang gusto mo? Ilang paso ang gusto mo?
Isadora: Haciendera ako Aura, hindi hardinera…
Isadora: Isa ka lang dumi sa paningin ko.
Aura: Tandaan mo, balang araw, itong dumi na ito ang pupuwing sa iyo
Isadora: Eh di magsi-shades ako.



Isadora talking to a bloodied AND PRESUMABLY DEAD Aura who just fell from a flight of stairs from their house: Aura... Aura!!!! Hoy! Wag mo nga akong artehan... Di naman ganon kataas ang hagdan mo!



I just love her. Watch the last two weeks of the serye for more of Isadora's witty remarks.
Weeknights, at around 9PM :)

2 comments:

Anonymous said...

OMG! Unbelievable! Hahaha! I'm not fond of Pinoy teleserya coz I am sooh hooked to my Korean DVDs for now but this.."Aura:Tandaan mo, balang araw, itong dumi na ito ang pupuwing sa iyo
Isadora: Eh di magsi-shades ako." made me wanna watch it..Cge, what channel is this nga? ABS or GMA?

SuperKai said...

ABS of course! haha :)

Last week na ngayong week..

blog-a-boo

Featured Video: Emotion by Moymoy Palaboy & Roadfill

Fan List ? haha